The S.T.I.C.K.Y. Blog

by Rin on Jun.30, 2003, under Teenage Angst Brigade, iamrin

thanks sa advice mi amiga… tama ka, pano sya mat-turn-off kung ayaw nya… kahit corny nga jokes ko tumatawa sya, minsan sinubukan ko nga mag joke na alam kong corny talaga tapos tumawa parin sya, tapos parang narealize nya na corny nga talaga, bigla sya tumahimik. pero tingin ko matatapos na tong kahibangan nya kase parang mas lalo silang nagiging close ng best fren ko, di ako magtataka kung maging sila nalang bigla, one of these days… di ko nga sure kung intensional tong ginagawa ng bestfriend ko… kase minsan nagkita raw sila, tapos nilibre sya ng sine, kumain sa labas, hinatid nya sa bahay, pinakilala sa housemates, naiwan ang ID, late umuwi. pero hindi daw sila nag date… ngak… kung anu man balak ng bestfriend ko bahala sya, okay nga siguro kung magkadevelopan ang dalawa… hindi naman ako affected e… btw, may gig nga pala yung mga yun this coming thursday, sa marikina. sana makanood kayo… lagi ku nandun taga paypay o taga punas ng pawis, nakalimutan ko yung lugar, inform ko nalang kayo later…

with the ‘ready’ thingy, baka nga di ako ready sa ngayon… pero ewan ko rin, sabe ko after nibreak ako ni ‘ex’ millions of years ago, “okay lang, mas maganda nga kung ala akong gf mas magagawa ko kahit ano gusto ko”… mali rin pala… sabe nga e, sometimes freedom can cost you life, nawalan din kase ako ng gana sa buhay… iba rin pala kase magmotivate ang gf… mas inspiring kaysa sa friends. miss ko narin magka gf, ei pips hanap nyo naman ako gf, dali bigyan ko kayo piso! hehe…

masakit rin pala katawan ko kanina… ang sama ng bail ko sa skateboard, gumulong ako sa humps, buti nalang di ako napilayan, pero dami ko galos (aray!)… tagal ko narin di nagskate, sabe kase ni doc sherrie exercise daw ako… ayan tuloy… wehehe…

so hayun, so far boring parin araw ko. kayo girls how’s ur day? sige… exit muna ko, basta always remember: digital o analog… corny man o kalog… pustiso may mahulog… BLOG LANG NG BLOG!!!


Leave a Reply

Looking for something?

Use the form below to search the site:

Still not finding what you're looking for? Drop a comment on a post or contact us so we can take care of it!

Visit our friends!

A few highly recommended friends...