by Rin on Jul.31, 2003, under Teenage Angst Brigade, iamrin
wow! ako, di ako marunong maglaba, one time nga nasira ko yung polo ko, mali daw pag gamit ko ng clorox, mali pa daw kuskos ko, pati pag piga mali din. kaya suko ako sa labahan… sis ko naglalaba ng damit ko (ehehe amo). mas gusto ko magluto, mas maaasahan ako sa cooking.
bat pa kase naibento ang online rpg! naaddik nanaman tuloy ako sa games… sa ngayon, naglalaro ako ng ragnarok 5-6 hrs a day!!!, kasi naman e… masaya sya, since hilig ko kase talaga ang rpg and chatting (which is the main feature of the game) talagang na hook ako… pano, you get to know people tapos set foot kayo sa isang adventure! buo kayo party… galing ng concept kakaadik talaga. tapos pag pagod na yung avatar mo (yung character mo sa game) pwede ka umupo at mag rest tapos may tatabi sayo makikipag chat… saya.
isa pa, medyo watak watak na grupo namin (darklight comics). haay, kasi naman, nagaaral pa sila lahat, tapos may financial crisis pa halos kaming lahat… at eta pa mabigat! si Ronnel, yung co artist ko, nagbago na! as in nagbago!!! born again na sya! isa na rin sya sa mga taong wierd kung magsalita at masyadong serious sa buhay. dont get me wrong pero alam ko ganun sila. (father ko born again din). with regards to art, malaki nagbago sa kanya, kung dati puro astig na mala heavy metal na tipong puro bungo at undead pips ang dating ng art nya, ngayon puro cute girls at angels ang lamat ng sketchbook nya… hindi narin kase sya nakikinig ng heavy metal music… kakapanibago nga kase pareho kaming fan ng “System of a Down” dapos ngayon fan na sya ng mga praise song bands… iba na talaga sya. religion nga naman o, it can change a person’s life in the shortest period of time… pero with all the changes that affected our group. buo parin kami, lie low lang siguro sa ngayon… si Ronnel, masaya kame para sa kanya, although hindi na sya yung Ronnel na nakilala namin. sya parin yung Ronnel na kaibigan namin… mabuti nga ngayon hindi na sya masyadong nagmumukmok sa problema, masaya sya. sana nga totoong masaya sya…
