The S.T.I.C.K.Y. Blog

Teenage Angst Brigade

by Rin on Jan.02, 2004, under Teenage Angst Brigade, iamrin

woohoo… bagong taon na… kailangan ko ng magbago… huhu… learn to start quitting pRO for good… onti onti siguro… sinisira ng pRO buhay ko… promise… i’m just so weak na nadadala ako… :( ( so sad…

be good peeps…ingatz kau lagi… blog lng blog ah!

lapit na magkapasok.. wala pa ko nagagawa…huhu…lagotz na naman… malamang matindi at malupit na monday blues na naman ito!!

Leave a Comment more...

by Rin on Nov.30, 2003, under Teenage Angst Brigade, iamrin

KAAAAAAAABOOOOOOOOOOOOOOM!!!

alalang… naupdate ko na sa wakas yung mumunti kong site! if ever na napagtripan nyo, pakibisita nalang http://prismaticorb.cjb.net sige salamats!

Leave a Comment more...

by Rin on Nov.11, 2003, under Teenage Angst Brigade, iamrin

this is my first time to do this blog thing kaya medyo weird pa…hmmm.wala, testing lang…bakit sept. 20 pa last blog dito..kay tagal na ah! nadito ko ngayon sa ILS lib..galing walang gaanong tao tapos aircon pa..kasama ko si Tin..yan natutulog :)

Leave a Comment more...

by Rin on Sep.20, 2003, under Teenage Angst Brigade, iamrin

ei sherrie gail, bakit hindi ko makita ang blog page? ahay…

Leave a Comment more...

by Rin on Jul.31, 2003, under Teenage Angst Brigade, iamrin

wow! ako, di ako marunong maglaba, one time nga nasira ko yung polo ko, mali daw pag gamit ko ng clorox, mali pa daw kuskos ko, pati pag piga mali din. kaya suko ako sa labahan… sis ko naglalaba ng damit ko (ehehe amo). mas gusto ko magluto, mas maaasahan ako sa cooking.

bat pa kase naibento ang online rpg! naaddik nanaman tuloy ako sa games… sa ngayon, naglalaro ako ng ragnarok 5-6 hrs a day!!!, kasi naman e… masaya sya, since hilig ko kase talaga ang rpg and chatting (which is the main feature of the game) talagang na hook ako… pano, you get to know people tapos set foot kayo sa isang adventure! buo kayo party… galing ng concept kakaadik talaga. tapos pag pagod na yung avatar mo (yung character mo sa game) pwede ka umupo at mag rest tapos may tatabi sayo makikipag chat… saya.

isa pa, medyo watak watak na grupo namin (darklight comics). haay, kasi naman, nagaaral pa sila lahat, tapos may financial crisis pa halos kaming lahat… at eta pa mabigat! si Ronnel, yung co artist ko, nagbago na! as in nagbago!!! born again na sya! isa na rin sya sa mga taong wierd kung magsalita at masyadong serious sa buhay. dont get me wrong pero alam ko ganun sila. (father ko born again din). with regards to art, malaki nagbago sa kanya, kung dati puro astig na mala heavy metal na tipong puro bungo at undead pips ang dating ng art nya, ngayon puro cute girls at angels ang lamat ng sketchbook nya… hindi narin kase sya nakikinig ng heavy metal music… kakapanibago nga kase pareho kaming fan ng “System of a Down” dapos ngayon fan na sya ng mga praise song bands… iba na talaga sya. religion nga naman o, it can change a person’s life in the shortest period of time… pero with all the changes that affected our group. buo parin kami, lie low lang siguro sa ngayon… si Ronnel, masaya kame para sa kanya, although hindi na sya yung Ronnel na nakilala namin. sya parin yung Ronnel na kaibigan namin… mabuti nga ngayon hindi na sya masyadong nagmumukmok sa problema, masaya sya. sana nga totoong masaya sya…

Leave a Comment more...

by Rin on Jun.30, 2003, under Teenage Angst Brigade, iamrin

thanks sa advice mi amiga… tama ka, pano sya mat-turn-off kung ayaw nya… kahit corny nga jokes ko tumatawa sya, minsan sinubukan ko nga mag joke na alam kong corny talaga tapos tumawa parin sya, tapos parang narealize nya na corny nga talaga, bigla sya tumahimik. pero tingin ko matatapos na tong kahibangan nya kase parang mas lalo silang nagiging close ng best fren ko, di ako magtataka kung maging sila nalang bigla, one of these days… di ko nga sure kung intensional tong ginagawa ng bestfriend ko… kase minsan nagkita raw sila, tapos nilibre sya ng sine, kumain sa labas, hinatid nya sa bahay, pinakilala sa housemates, naiwan ang ID, late umuwi. pero hindi daw sila nag date… ngak… kung anu man balak ng bestfriend ko bahala sya, okay nga siguro kung magkadevelopan ang dalawa… hindi naman ako affected e… btw, may gig nga pala yung mga yun this coming thursday, sa marikina. sana makanood kayo… lagi ku nandun taga paypay o taga punas ng pawis, nakalimutan ko yung lugar, inform ko nalang kayo later…

with the ‘ready’ thingy, baka nga di ako ready sa ngayon… pero ewan ko rin, sabe ko after nibreak ako ni ‘ex’ millions of years ago, “okay lang, mas maganda nga kung ala akong gf mas magagawa ko kahit ano gusto ko”… mali rin pala… sabe nga e, sometimes freedom can cost you life, nawalan din kase ako ng gana sa buhay… iba rin pala kase magmotivate ang gf… mas inspiring kaysa sa friends. miss ko narin magka gf, ei pips hanap nyo naman ako gf, dali bigyan ko kayo piso! hehe…

masakit rin pala katawan ko kanina… ang sama ng bail ko sa skateboard, gumulong ako sa humps, buti nalang di ako napilayan, pero dami ko galos (aray!)… tagal ko narin di nagskate, sabe kase ni doc sherrie exercise daw ako… ayan tuloy… wehehe…

so hayun, so far boring parin araw ko. kayo girls how’s ur day? sige… exit muna ko, basta always remember: digital o analog… corny man o kalog… pustiso may mahulog… BLOG LANG NG BLOG!!!

Leave a Comment more...

by Rin on Jun.28, 2003, under Teenage Angst Brigade, iamrin

apologies po.. i moved the old blog sa bagong blog.. post ko na lang yung mga dati roomie kong maganda.. may bago din pala tayong kasama.. si ringo.. ^_^

blog lang ng blog.. kakahilo mag-ayos nito.. grrrr..

Leave a Comment more...

Looking for something?

Use the form below to search the site:

Still not finding what you're looking for? Drop a comment on a post or contact us so we can take care of it!

Visit our friends!

A few highly recommended friends...